Wednesday, May 8, 2013

Exploring Layag-Layag Island

7:00 a.m ang call time. Ang meeting place? Sa Edsa Rotonda. Terminal ng Bus going Nasugbu, Batangas. 9:00 a.m nakapila na kami para makasakay. 2 hours of waiting..naiinip na kami. Excited na ang lahat.
MCDonalds-Edsa Rotonda
Dahil sa kagustuhan naming makaalis na agad, pinatulan na namin ang standing ovation makaalis lang. Pagdating ng Tagaytay saka lang kami nakaupo..homaygad almost 2 hours standing pero carry lang, makarating lang sa pupuntahan. Super hyper (acidity) ang peg ng mga bakla! Hindi nauubusan ng kwento at tawanan. Feeling namin ni-rent namin ang bus at wala kaming pakielam sa mga pasaherong natutulog. (So bad!).

At last, nakarating din kami ng Nasugbu, Batangas. Pero ang talagang pakay namin doon ay sa Brgy. Papaya which is super layo pa pala from the city. We bought some stuffs and foods that we can bring sa island. After that, we headed to Brgy. Papaya. Along our way something memorable happened. Biglang umulan ng malakas. We all worried kasi nga naman masisira ang plans namin dahil sa ulan. We are all praying (esp. Legine) na huminto na ang ulan at umaraw. Pagdating namin sa gitnang part ng kalsada "homaygaddd!!"- the road was very very very dry!As in! Hindi pa siya nadadaanan ng ulan. And the thing is, when we look at our side (left and right) it's raining! That was really amazing!We are in the middle of the road which is super dry and the left and right side view ay umuulan?!Whoaahh!!

Upon arrival picture taking agad ang peg. We almost forgot that it's getting late na. 2:00 p.m to be exact, we haven't prepared anything for our island hopping.
Legine-taking picture of Alfie and Ian while walking
What a nice view!

bitbit our "pinamili"


Walkathon din ang peg namin papunta sa tutuluyan naming bahay. While walking nagpaparamdam na naman ang KJ na ulan. Ate Kath- the owner of the house suggested that it is safer if tomorrow nalang kami magpunta ng island. Medyo malakas din kasi ang hangin kaya for sure malakas ang alon sa dagat. Sasakay kami ng bangka papunta sa Layag-layag Island, and if the weather is bad...hindi safe pumalaot. Pero dahil desidido kaming lahat, pinagpilitan namin. Ngayon alam nyo na kung gaano katigas ang mga ulo namin!(hahahaha!)

We prepared Adobong Manok at Paa (cooked by Ian) but I don't like the chicken feet to be honest!=P, hotdog with mallows on stick (my brilliant idea!hahah!), indian mangoes (courtesy of Joe-siya daw ang pumitas from tree), ofcourse Rice and Chicken Barbeque na ako ang nagtimpla! In all fairness..masarap daw! Pang "Mang Inasal" ang sarap! Homaygad you must be joking!(hahaha!)
Kristal, Legine, JP, Ian and Me =)
Alfie and Ian (The Best Buddies)

What's wrong Legh? =P

Then we packed up our things and prepare for Island Hopping! This is it pancit!
Habang nakasakay kami sa bangka super excited ako and amazed sa mga nakikita ko. May mga kalat-kalat na islands kaming nadaanan. May nakita pa kaming crocodile shape island. I just don't know kung anong pangalan niya. (baka crocodile island? =P )
while getting some woods for our bonfire
Maybe 20-30 minutes ang layo from pier ng Layag-layag Island. Super crystal clear ang tubig. We arrived at 4:30 p.m i think. At excited kaming lahat to see the sunset. Pagdating namin doon walang ibang tao maliban samin. Medyo nalungkot lang ako sa naabutan namin dahil my ala-alang iniwan ang mga taong naliligo doon. A lot of trashes. Plastics, used diaper (eeww!), pancit canton wrapper and everything. I just feel so sad kasi as usual, tao na naman ang may fault. Hindi manlang nagawang linisin ang lugar bago iwan. Nakalungkot. But anyway, humanap agad kami ng mga kahoy for our pang-ihaw. I thought madali lang ang paggawa nun..mahirap pala!(hahaha!) Thanks to JP na nagtyagang makagawa ng apoy using a lighter and MY ALCOHOL! While preparing our foods nagsimula ng mag-pictorial ang sexy Legine with her hot two-piece swimsuit and our professional photographer Alfie! Hindi ko kaya ang mag-sexy pose kaya pinaubaya ko na kay Legine ang moment na yun.
Legine bares it all!=)

Well, I'm wearing my swimsuit but I'm still thinking if kaya ko since it's the very first time na makikita akong naka-swimsuit in public. (salamat sa espirito ni Legine!=).

So this is Me (my sexy back, actually!hahaha!)
Few hours later, heto na si haring araw at bumababa na sa kanyang trono. It was a wonderful feeling while watching the sunset sitting  in a white sand beach.



When it was totally dark nakagawa narin ng bonfire si Kuya Ikyo (the one who helped us out in everything, tubong batangueƱo). We ate dinner all together habang ang mga ilaw lang nagamit namin ay ang aming mga cellphones, flashlight and bonfire. Unforgettable experience. At syempre, hindi mawawala ang picture taking. After that, we play a games while drinking some alcohol beverages. Moderate lang naman, enough to ease the cold feeling that air brought in our sexy bodies!(hahaha!). Si Joe ang laging talo sa game namin na hindi ko alam kung ano ang tawag. Basta it's a fun game.=). Nang makaramdam na kami isa-isa ng antok (at konting tama narin ng alak) nag-ready na kami sa pagtulog. Since we don't have a tent, naglatag na lang kami ng "banig"- without "kumot" and "unan". Ang sarap palang mahiga sa sand habang nakatingin sa mga stars. Ang ganda ng view. While chit-chatting with the girls (Kristal, Jelina and Legine) we saw a shooting star, not once but twice. Grabe, another first time!
G.I Joe

Ian and Alfie what are you doing over there?(hahaha!)

JP and CJ while helping kuya Ikyo doing the bonfire

Gwiyomi!

Anyare' Joe???

Well, nakatulog ba ako?I'm not sure..kasi pagising-gising ako...medyo hindi ako komportable sa mabuhanging higaan namin but still carry lang...relaxing parin. Habang tulog na ang lahat, si Joe at Alfie nag-e-explore parin. Natuwa sila sa mga "umang" na naglalabasan sa ilalim ng buhangin.


And here comes the sun. We have a lot of plans for today. Pero sa totoo lang parang ang bagal ng oras sa isla. Wala kasi kaming ibang pinagkakaabalahan kundi ang magkwentuhan, tawanan, kain, swimming at sight-seeing. NO GADGETS! (except sa'ming mga cellphones and cameras). Sa totoo lang, lahat kami puyat. Pero walang nagrereklamo ni isa na puyat sila, infact excited pa kami sa pagsikat ng araw.
Good Morning Sunshine!
Good Morning  mga dude!
Full of activity ang araw namin. Snorkling, cliff diving, at syempre swimming! Sa tatlong sinabi ko dalawa lang ang nagawa ko: SNORKLING (for just a seconds- natakot ako bigla ng makita ko itsura ng dagat sa ilalim, though maganda naman talaga natatakot ako baka may biglang sumulpot sa harap kong monster!(hahahaha!), kahit nasa pampang lang may mga fishes na akong nakikita (and jelly fish too!the small ones lang naman). And the other one is SWIMMING (for just a minute). Trivia: "hindi ako marunong lumangoy!".
Gustuhin ko mang mag-cliff diving hindi ko magawa, takot ako baka hindi na ko lumutang(hahaha!).

Gusto kong makakita ng buhay na starfish, aba at si kuya Ikyo walang sabi-sabi sinimulan ng sumisid sa ilalim ng dagat. After 15 minutes I think umahon siya at may bitbit na super laking blue starfish!I soooo loved it talaga!! Trivia: blue is my favorite color. =)
starfish is meant for me..=)
Around 10:00 a.m nag-decide kaming lumipat sa isang maliit na island na puro bato. When you look at it sa malayo para siyang Mayon Volcano katabi ang Cagsawa Ruins. Well, nalipat nga lang sa left side instead na sa right side dapat ang Cagsawa.=P. And the cool thing was, kapag daw low tide pwedeng lakarin (lusungin) ang island na iyon from Layag-layag. That time, medyo mataas ang tubig so nag-bangka kami. We used the "de sagwan" na bangka, sayang kasi ang gas kapag ung "de motor" ang ginamit. Si kuya Ikyo na superhero namin ang matyagang naghila ng bangka namin papunta sa mabatong island. Super tiyaga niya at very accomodating siya sa'min. As in! Bilib kami sa kanya. I salute you kuya Ikyo!
the very hospitable kuya ikyo
crystal clear water
layag-layag babes =)
temptation island lang ang peg?=)


cliff diving


ME and pretty Jelina
beach bums!


team explorer!=)

no make up?no problem!=P
Me, Jelina and Kristaline

MAPYA Boyz



with sexy Legine


All in all expenses each is Php1,000.00

Php 155.00 bus from manila- nasugbu
Php 350.00 tricycle from nasugbu to brgy.papaya (4-5 persons)
Php 100.00 boat (per head/back en port)
Then the rest, for foods good for 2 days and one night.

Truly unforgettable trip! Hope to come back here soon! =)

<a href="http://www.topblogs.com.ph/arts-crafts/"><img style="border:none" src="http://www.topblogs.com.ph/track_47853.gif" alt="Arts &amp; Craft - Top Blogs Philippines" /></a>